Kaya ng dumating sa ating bansa ang Santo Papa naitanong ng Batang si Glyzelle, “Bakit pumapayag ang Diyos na may ganitong mangyari kahit walang kasalanan ang mga bata?".
“Marami po ang mga batang pinabayaan ng kanilang mga magulang. Marami sa kanila ang naging biktima at masama ang nangyari tulad ng droga o prostitusyon,” sabi ni Glyzelle na isa sa mga batang inabandona ng kanilang mga magulang at kasalukuyang naninirahan sa Tulay ng Kabataan Foundation.
Itinanong din ni Glyzelle sa Santo Papa kung bakit kaunti lang ang tumutulong sa kanilang mga nangangailangan.
Matapos ang testimonya ng bata, nilapitan ito ng Santo Papa at hinaplos, niyakap, at saglit kinausap habang umakto namang interpreter si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Oo nga’t madami at malaki ang contribution ng pamahalaan sa corruption ngunit naisip ba natin na kahit tayo mismong mga ordinaryong mamayaan ay gumagawa din eto. Ang pinagkaiba lang natin sa kanila ay mas mataas ang katungkulan nila at hindi tayo na babalita sa television kaya’t hindi nahuhuli ang mga kagaguhang ginagawa natin.
Pag corruption na ang pinag uusapan ang unang pumapasok sa isipan ng mga Pilipino ay ang pangungurakot or pangungupit ng mga opisyales sa kaban ng bayan. Ngunit kung titingnan natin ang literal na ibig sabihin nito ay ang “pag-sisinungaling o panlilinlang ng mga taong may kapangyarihan at kadalasang may kasamang suhol” o “pag-pababa sa moralidad ng isa o maraming tao” ibig sabihin nito ay lahat ng taong may katungkulan hindi lamang sa gobyerno ay maituturing na corrupt pag nanlinlang, nanuhol o ibinababa ang moral ng kanyang mga tauhan o nasasakupan. Ibig sabihin din nito ay lahat tayo ay maaring guilty sa corruption at nakakadag-dag sa di mabilis na pag asenso ng Pilipinas.
Demokratiko ang bansa natin. Oo. Sa papel, pero sa mga taong nakapaligid, parang may nakabihag parin sa mga mamamayan. At ito ay ang mga kapwa nila mamamayan. Hindi mauubusan ng panlait ang mga Pilipino para sa kapwa nila Pilipino. Bakit nga ba ganito? Bakit nga ba?
Ilang beses ko mang paulit-ulitin ang tanong na ito sa aking isipan ay hindi ko pa rin malaman-laman ang sagot na karapatdapat. Sa bawat araw na lumilipas ay lalo pang nadadagdagan ang mga katanungang naipon na sa isipan ko. Kaya nga ba hindi maalis-alis ang inggit, dahil wala tayong salita na “TULUNGAN”? Pero meron naman, nagtutulungan tayo at nagkakaisa, ang kaso lang sa mga oras lang ng kagipitan. Dito lang tayo natatauhan na kailangan natin mag-kaisa at magtulungan… Pero kapag maluwag at hindi natin ramdam ang mga pasakit, kanya kanyang lait sa kapwa, kanya-kanyang paraan para umangat.
Hindi ko na iisa-isahin lahat ng mga kadahilanan dahil baka humaba lang ng humaba ang usapang ito at mas lalo pang malito ang mga magbabasa sa gusto kong iparating, pero mag-bibigay ako ng unting halimbawa na nakikita kong dahilan kung bakit napasama ang mga simple mamayan sa corruption at ang pinaka sansi kung bakit tayo nag-kaganito.
Isa na dito ang crab mentality or isip talangka, alam kong alam nyo na ito pero gaano ba kalawak ang pag kakaintindi natin dito?
Karamihan sa atin ang pag kakaalam sa crab mentality ay ang mga taong pilit na ibinababa ang iba dahil ayaw ka nila itong makitang umasenso. tama yun pero malibang don ang isip talangka o crap mentality ay likas na pag-uugali, di lang sating mga Pilipino pati narin sa mga ibang lahi. BAKIT? dahil...
Natural lang sa tao na mag hangad na umangat sa buhay at natural lang din sa tao na makaramdam ng saya tuwing nanalo sa isang kompetisyon at may tao ring gagawin, lahat ng paraan para manalo o makamit ang pag unlad. Ngunit minsan may mga nagagawa tayong hindi na maganda at minsan rin ay nakakasagasa na tayo ng ibang tao para lang sa ating mithiin.
Halimbawa nalang sa bahay, gusto nating papurihan tayo ng ating mga magulang sa mga ginagawa natin kaya’t gumagawa tayo ng mga bagay para maging masaya sila at minsan naman nakakaramdam tayo pag-seselos o sakit kapag inihahambing tayo sa ibang kamag anak natin dahil mas pinapaburan sila kesa sa iyo. Kata gumagawa tayo ng paraan para matapatan natin sila o mas mahigitan pa sila. Ang nakakalungkot dito ay minsan nakakagawa tayo ng di maganda hindi lamang sa kapwa natin, pati narin sating sarili para makamit lamang ang papuring hinahangad.
Tayo'y iisang lahi. Iisang bansa ang tinitirahan. Iisang pangarap na umunlad at maging maayos ang Pilipinas.
Alam kong medyo mahaba na at gasgas na gasgas na ang usaping ito pero ang gusto ko lang sabihin dito ay hindi lamang yung mga nasa itaas ang dapat nating sisihin sa pagbagsak ng ating bansa. Dahil kung tutuusin ay pareparehas lang naman tayong mga pinoy na guilty sa nang-yayaring ito. Kahit na napakaliit lang ng posiyon mo o simpleng manggawa kalang at simpleng pangungurakot lang ang ginagawa mo, pag pinag sama-sama natin lahat yan ay malaki ang epekto nito sa ating bayan. Kaya kung gusto nating magbago ang ating bayan simulan natin ito sa ating sarili.